-- Advertisements --
Rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG) sa limang insidenteng naitala sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong enteng at habagat ngayong araw.
Una rito ang nagsalpukang LCT GT Express at M/V Kamilla na nagresulta sa sunog.
Na-rescue naman ang 18 tripulante ng mga sasakyang pandagat at kanilang dinala sa pagamutan para sa proper checkup.
Pangalawa ang natangay ng alon na Barge Tamban, na kalaunan ay nadala sa Navotas Fish Port Complex.
Pangatlo at pang-apat ang dalawang barge na tumama sa seawall dahil sa galaw ng tubig at lakas ng hangin.
Pang-lima ang MTKR EBC Maricel VI na sumadsad sa mababaw na bahagi ng dagat sa nabanggit na syudad.