DAVAO CITY – Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-11 na limang mga jail officers ng Davao City Jail-Male Dormitory ang kinapitan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa kanilang official statement, inihayag ng BJMP-11 na maliban sa naturang mga jail officers, nagpositibo rin sa COVID-19 ang walong iba pang mga persons deprived of liberty (PDLs).
Isinagawa ang RT-PCR test sa 201 na mga PDLs noong Nobyembre 23, pero 108 pa lang ang lumabas na resulta kung saan walo rito ang COVID-19 positive.
Ang naturang walong mga inmates ay siyang nagkaroon ng close contact sa naunang walong mga PDLs na nag-positive din sa COVID-19 noong Nobyembre 24.
Samantala, hinihintay pa rin ng BJMP-11 ang resulta ng swab test para sa 75 mga PDLs at 18 mga BJMP personnel.
Sa ngayon, mayroon lamang 32 personnel ang Davao City Jail kung saan lima na nito ang nahawaan ng virus.
Nagpapatuloy pa rin imbestgasyon ng BJMP katuwang ang Department of Health upang malaman kung saan nagmula ang virus.