-- Advertisements --
Target ngayon ng pamahalaan na makapagsagawa ng 5,000 Coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests kada araw kapag operational na ang kanilang mga swabbing centers dito sa Metro Manila.
Ayon kay COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, sa susunod na linggo ay posibleng makuha na raw nila ang naturang bilang kada araw kapag nagbukas na ang mega swabbing centers dito sa Metro Manila.
Sa ngayon mayroon nang 12,000 capacity sa isang araw ang kanilang mga itinayong mga swabbing centers dito sa buong Pilipinas.
Una nang sinabi ni Dizon na simula sa Mayo 30, target nila ang 30,000 covid tests kada araw.
Tuloy-tuloy pa rin naman daw ang pagpapaganda nila sa mga COVID-19 laboratory testing centers sa buong kapuluan.