-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Bicol na mayroon nang ilang local government unit na nag-request sa ahensya ng mga mosquito fish o itar na gagamitin bilang panlaban sa paglobo ng dengue cases.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay BFAR-Bicol spokesperson Nonie Enolva, isa si Sorsogon Governor “Chiz Escudero” sa mga nag-request ng nasabing uri ng isda.

Humingi aniya si Escudero ng inisyal na 5,000 mosquito fish na ilalagay sa mga stagnant waters sa nasasakupang lugar.

Sa kasalukuyan ayon kay Enolva, marami pa ang mga mosquito fish na nasa tanggapan kaya makakapagbigay sa mga lokal na pamahalaan na nagre-request sa kanila.

Nilinaw naman nitong libre ang mga naturang isda at kailangan lamang na magtungo sa pinakamalapit na provincial fisheries facility kung nais ding kumuha ng mosquito fish.