-- Advertisements --
CdeO Map
CdeO Map

CAGAYAN DE ORO CITY-Nahuli ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-10 ang limang suspek sa pangingikil umano sa alkalde ng Cagayan de oro.

Kinilala ni CIDG regional director Police Lt Col Reymund Ligudin ang mga suspek na sina Ryan Mabborang alyas Mark Adrian Tan, Wilma Pangandigan, Thong Pangdigan, Mohalmin Ulimpaen,Sadam Taliban at Donna Bansil pawang taga Maguinganao.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Ligudin na si Mabborang ang tumatayong lider ng grupo at nagpanggap itong opisyal ng PNP.

Hiningan umano ni Mabborang ng P1.5M si City Mayor Oscar Moreno kapalit ng pagpalabas sa piitan ng kanyang anak na si Sean Moreno na nahuli ng PDEA dahil sa pagbebenta ng ecstacy drugs sa Angeles City, Pampanga.

Dahil sa pagdududa ng alkalde sa modus ng grupo, nakigpag-ugnayan ito sa CIDG na naging dahilan ng pagkahuli ng mga suspek.

Sa paghaharap ng mga suspek kay Mayor Moreno, sinabi Mabborang na naging biktima umano sila ng investment scam ng Kabus Padato-on o KAPA Ministry International Inc. kung kayat nahikayat silang gumawa ng krimen sa pamamagitan ng pangingikil sa alkalde.