Nadagdagan pa ng lima ang na-detect na kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa Western Visayas region ayon sa Department of Health (DOH).
Ito ang kinumpirma ngayong araw ni Health Promotion and Communication Service Director Dr. Beverly Ho kung saan ang bagon tatlong indibdiwal na na-infect ng naturang sakit ay fully vaccinated na returning overseas Filipinos (ROFS) mula sa Amerika.
Habang ang dalawa naman ay local cases na pareho ding fully vaccinated.
Bunsod nito, umakyat na sa kabuuang 22 ang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1sa Pilipinas.
Nauna ng naitala ang 18 na local cases, dalawa dito ay mula sa NCR region, nasa 12 mula sa Puerto Princesa sa Palawan at apat naman ang mula sa Western Visayas habang ang apat pa na locally infected ay mga ROFs sa Western Visayas.
Nauna ng kinumpirma ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na mayroon ng local transmission ng naturang subvariant sa bansa.
-- Advertisements --