-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang pitong mga miyembro ng mga teroristang grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao kung saan dalawa sa mga ito ang umaming binabayarang hitman at sangkot sa contact killings

Ayon kay Brig. Gen. Eden Ugale, Bangsamoro Autonomous Region police director, ang mga dating miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nakipag-ugnayan sa mga otoridad sa Camp SK Pendatun malapit sa bayan ng Parang , sa headquarter mismo ng Bangasamoro Autonomous Region police.

Isinuko rin ng mga dating BIFF ang ilang matataas na kalibre ng baril kalakip ang isang grenade launchers at an anti-tank rocket.

Napag-alaman na miyembro ang mga ito ng BIFF-Karialan faction na isa sa tatlong paksyon ng BIFF at responsable sa halos 30 na mga kasong kriminal at nasa likod din ng mga pambobomba sa Central Mindanao

Habang ang dalawang iba pang sumuko ay pawang mga hitmat diumano at umaming makailang ulit nang binabayaran ng ilang mga politiko para magtrabaho sa mga ito.

Makakatanggap naman ng ayuda ang mga sumukong mga rebelde at hitman para sa pagbabalik-loob ng mga ito sa gobyerno.