DAVAO CITY – Kinumpirma sa Department of Health – Davao Center for Health Development ang detection sa tatlong Omicron variant of concern mula sa 35 na mga specimens na pinadala noong nakaraang buwan ng Disyembre 23 at 29, 2021 sa University of the Philippines- Philippine Genome Center (UP-PGC) at dalawa pa na na-test mula sa ibang mga rehiyon.
Ayon kay DOH ang limang mga Omicron variant cases ay nakarekober na base sa inilabas na Whole-Genome Sequencing (WGS) report.
Tatli sa nasabing mga kaso ay mga Returning Overseas Filipinos (ROF) samantalang dalawa ang walang history sa kahit ano mang biyahe sa labas nga bansa.
Ito ay kinabibilangan ng isang 23 anyos na ROF at nakauwi sa kanilang bahay sa Davao del Sur.
Isang 27 anyos na babaye na ROF na dumating sa Singapore noong Disyembre 18,2021 na taga Davao at ngayon ay fully recovered na.
Isang 44 anyo na lalaki na fully vaccinated at isang ROF na dumating mula United Kingdom noong Disyembre 22, 2021.
Nakakompleto na ito sa kanyang 14-day isolation sa Manila bago bumiyahe sa Davao Region at residente sa Davao del Norte.
Ika-apat ang isang 28 anyos na babae na fully vaccinated rin at local resident sa Davao Occidental ngunit walang history sa International Travel.
An gang ika-lima ay isang fully vaccinated na 63 anyos na babae na isang local resident sa Davao Occidental at walang history sa International Travel.
Nakipag-unayan na rin ang DOH Davao mula sa mga LGUs sa Davao region para makapagsagawa ng intensive case investigation upang matiyak na makokompleto ang isolation period sa lahat ng mga close contacts nito at masumite ang mga eligible samples sa sequencing.
Dahil sa detection ng imported cases sa Omicron variant, nanawagan ang Department of Health Davao Center for Health Development sa lahat na mag-ingat laban sa covid 19 at maging responsable hindi lamang sa sarili kung hindi para sa mga tao na nakapalibot.