CAUAYAN CITY- Limang tao ang isinugod sa ospital matapos umanong mabiktima ng food poison mula sa kinain nilang lugaw na kanilang binili sa isang lugawan sa Barangay Ipil, Echague, Isabela
Ang mga biktima ay sina Jonathan Balauag, 29 anyos, residente ng Annafunan, Echague; Roger Lorenzo, Keana Delacruz, 12 anyos; Kerby Caurel, 10 anyos at Nathaniel Balauag, 9 anyos pawang residente ng Garit Norte, Echague, Isabela.
Ang mga biktima ay bumili ng lugaw sa lugawan ni Ginang Evelyn Alcantara.
Ilang oras matapos nilang kainin ng mga biktima ang lugaw ay sunod-sunod na umano silang nakaramdam ng panghihina at pagkahilo kaya sila isinugod sa isang pribadong ospital Ipil, Echague, Isabela.
Hindi pa matiyak ng mga biktima kung kinain na lugaw ang sanhi ng food poisoning.
Sa panig naman ni Gng. Alcantara, kanyang sinabi na malinis ang kanilang paghahanda sa nilulutong lugaw at puro bago ang kanilang isinasahog na karne ng manok.
Kanila pang sinabi na handa naman silang tumulong sa lahat ng gastusin ng mga biktima sa pagamutan kung sakaling mapatunayan na talagang galing sa kanilang panindang lugaw ang dahilan ng kanilang pagkaka- ospital.
Sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan ang mga biktima.