LA UNION – Arestado ang limang katao mula sa tatlong bayan sa segundo distrito ng La Union dahil sa kasong illegal gambling.
Alinsunod sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Bernadette Balangitan Badecao-Abnasan, Presiding Judge ng MTC Santo Tomas, La Union hinuli ng mga otoridad ang limang katao na naaktuhan umanong nagsusugal sa magkakaibang lugar.
Kabilang sa mga hinuli ang 33-anyos na dalaga, residente ng Barangay Namboongan, Sto Tomas; 41-anyos na mister ng Barangay Sta Monica, Agoo; 64-anyos na matanda, 34-anyos na babai, at 46-anyos na misis, pawang mga residente ng Barangay Tabtabungao, Rosario, La Union.
Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling at P10,000 ang inirekomendang piyansa bawat isa, para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito.