-- Advertisements --

NAGA CITY- Nasa mabuting kalagayan na ang lima katao kasama ang isang menor de edad mataposn isugod sa ospital nang makalanghap umano ng kakaibang kemikal sa isang resort sa Catanauan, Quezon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Patrolman Blast Gonzales, investigator on case ng Catanauan-PNP, sinabi nitong naliligo sa swimming pool ang mga biktima nang bigla na lamang malanghap ng mga ito ang kakaibang amoy na naging dahilan para mahirapan ang mga itong makahinga na agad namang itinakbo sa ospital.

Ayon kay Gonzales, sa pakikipag-usap aniya niya sa mag-ari ng naturang resort napag-alaman na alas 9:00 ng gabi ang oras ng paglalagay ng chlorine na may halong muriatic acid sa tubig biglang bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan nito.

Ngunit, bigla umanong binuhusan ng isa sa mga tauhan ng resort ang tubig ng nasabing kemikal habang may mga tao pa sa pool na nagresulta sa pagkahilo ng mga ito.

Sa ngayon, inaasahan namang idadaan na lamang sa areglo ng pamilya ng mga biktima ng mga pamunuan ng resort ang nangyari ngunit magpapatuloy pa umano ang imbestigasyon at monitoring ng mga otoridad para hindi na maulit pa ang nangyari.