-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Sugatan ang limang katao sa pagsabog ng pinaniniwalaang granada dakong alas-9:15 nitong gabi ng Linggo sa Cotabato City.

Nakilala ang mga biktima na sina Parson Matingkong Guiaplos, Omar Jamalodin, Siti Amirkan, Noranifa Uy at Mary Joy Antolan, mga residente sa syudad ng Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya na sumabog ang granada sa Fine and Dine Restobar and Foodhouse sa bahagi ng Notre Dame Avenue, Barangay Rosary Heights 2, Cotabato City.

Agad dinala sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ang mga sugatang biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamumuno ni Colonel Quiruben Manalang sa nangyaring pagsabog ng granada sa lungsod.