-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Iniimbestigahan na nang Malay Municipal Police Station ang tangkang pagpasok ng limang kawatan sa isang resort na pagmamay-ari ng isang Koreano sa isla ng Boracay.
Base sa report, ang mga kawatan ay sakay ng isang bangka at tumigil sa tapat ng resort at sandaling nagmatyag bago nagtangkang pumasok.
Ngunit, agad na napansin ng mga staff sa loob ng establisyemento ang pangyayari kaya mabilis na umalis ang mga suspek.
Nakuhaan pa aniya ng video at litrato ang pagtakas ng mga kawatan na sa pagmamadali ay naiwan ang kanilang tsinelas at lagari.
Ayon sa may-ari ng resort na tumangging magpakilala, naipaabot na nito ang pangyayari sa embahada ng South Korea.