Sinampahan na ng kasong administratibo ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang apat na pulis Makati at isang pulis mula sa Manila Police District na naaresto kamakailan ng mga tauhan ng PNP Counter-Intelligence Task Group (CITF) sa dalawang magkahiwalay na entrapment operation.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo kaniyang sinabi na target nilang maglabas ng resolution at rekumendasyon bago matapos ang buwan ng Hunyo.
Ayon kay Triambulo binigyan lamang nila ng isang araw para sumagot o magsumite ng kanilang counter affidavit ang mga respondents.
Aniya, matapos manumpa ang mga arresting officers sa kanilang affidavit ay agad kinuha ng PNP IAS ang investigation report mula sa mga arresting officers para masampahan kaagad ng kaso ang limang pulis Makati na sina PO2 Harley Garcera, PO2 Clarence Maynes, PO1 Tim Santos, PO1 Jeffrey Caniete habang ang police Manila na nakilalang si PO1 Efren Guitaring.
Una nang sinampahan ng kasong kidnapping ang apat na pulis Makati ng kasong kidnapping.
Kasong grave misconduct o improper conduct ang isinampa sa limang mga pulis na kasalukuyang nakakulong sa detention facility ng CITF sa kampo Crame.
Aniya, ang penalty ng kasong grave misconduct ay forfeiture of benefits at iba.
Dagdag pa ni Triambulo na bukod sa limang nabanggit na kotong cops, tinapos na rin ng IAS ang imbestigasyon sa alegasyon ng tanim droga ni Engr. Wilgelmo Galura laban sa ilang mga pulis sa Pampanga.
Sa Lunes, isasampa na ang administrative case ng PNP IAS laban sa mga pulis sa Pampanga.