CENTRAL MINDANAO-Umaabot na sa limang kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nakubkob ng militar sa lalawigan ng Maguindanao.
Sa loob ng tatlong linggong operasyon ng Joint Task Force Central laban sa BIFF-ISIS Inspired Group na pinamumunuan ni Shiekh Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife marami na sa mga terorista ang nasawi at kuta nila na nakubkob ng mga kawal ng pamahalaan.
Sinusuyod ngayon ng militar ang SPMS Box at Liguasan Delta kung saan nagtatago ang BIFF na nakipag-alyansa sa ISIS.
Sinabi ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief,Major General Diosdado Carreon na hindi mangingiming maglunsad ng operasyon ang Joint Task Force Central sa mga armed lawless group kagaya ng BIFF na banta sa seguridad ng mamamayan ng Central Mindanao.
Sangkaterbang mga armas,mga Improvised Explosive Device (IED) at mga sangkap sa paggawa ng bomba ang nabawi ng JTFC sa BIFF.
Nakubkob rin ng militar ang mga kuta ng BIFF sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha,Datu Salibo,Datu Saudi Ampatuan,Mamasapano at ibang bayan ng Maguindanao.
Inamin ni Carreon na may mga sundalo silang nagbuhis ng buhay ngunit nanatili ang kanilang high morale dahil sa suporta ng taong bayan para sa kapayapaan at kaunlaran sa kanilang komunidad.
Hindi na rin mabilang ang nasawi sa BIFF na patuloy na tinutugis ng militar sa Maguindanao at hangganan ng North Cotabato.
Lomobo naman ang bilang ng mga bakwit sa probinsya ng Maguindanao na lumikas sa mga lugar na target nang focus military operation ng JTFC laban sa BIFF.