-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Sa kulungan ang bagsak ng limang illegal loggers habang nakatakda namang iturn-over sa CENRO-Cantilan ang ipupuslit sanang aabot sanang P3.1 milyong halaga ng mga kahoy na nakumpiska matapos maharang ang mga suspek sa checkpoint ng 1302nd Maneuver Company ng Police Regional Mobile Force Battalion.

Ayon kay Brig. Gen. Joselito Esquivel, Jr., regional director ng Police Regional Office (PRO) 13, pasado alas-3:00 ng madaling araw nang maharang sa national highway ng Brgy. Adlay, sa bayan ng Carrascal, Surigao del Sur, ang isang wing van na syang kinargahan ng mga kahoy na mula pa sa bayan ng Lianga at patungo sana sa Surigao del Norte.

Tumambad sa pulisya ang mga furniture at lumber sa loob ng nasabing sasakyan.

Walang naipakitang papeles o kahit na anong dokumento mga suspek sa P1,254,197.90 halaga ng furniture at lumber products na nagkakahalaga naman ng P1,900.

Dahils dito, inaresto sina Alfredo Delambaca, 42, driver at residente ng Malingin, Brgy. Igpit ,Opol, Misamis Oriental; Apple Esmeralda, 21, residente ng Pagadian City, Eugene James Jantica, 32, residente ng Purok 3, San Antonio, Jasaan, Misamis Oriental; Charlito Esmeralda, 19, resident ng Pagadian City at Ian Christian Renoblas, 18-anyos, residente ng Kalabugao, Impasug-ong, Bukidnon.

Kasalukuyang nakapiit ang mga ito sa Carrascal Municipal Police Station.

Samantala, pansamantalang ilalagay muna sa 1302nd Maneuver Company Headquarters ang mga nakumpiskang furniture at lumber products habang inaayos pa ang pag turn-over sa mga ito sa CENRO Cantilan.