Tanging ang Catanduanes, Benguet, Ifugao, Negros Oriental, at ang lungsod ng Santiago ang nananatiling nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 4 sa kasalukuyan.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang Catanduanes ay kasalukuyang high risk sa COVID-19 transmission habang ang nalalabing apat na lugar ay classified bilang moderate risk.
Ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 4 ay mayroong moderate hanggang sa high-risk classification para sa COVID-19 transmission at ang kanilang healthcare capacities ay mas mataas sa 70 percent base na rin sa metrics ng DOH.
Hanggang noong Setyembre 20, mayroong 97 lugar sa bansa ang nasa ilalim ng Alert Level 4.
Sa ngayon, ang Catanduanes ay nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine habang ang lungsod ng Santiago sa Cagayan Valey ay nasa ilalim naman ng general community quarantine with hightened restrictions, at ang Benguet at Ifugao naman ay nasa ilali mg GCQ.
Ang alert level system naman ay kasalukuyang ipinatutupad sa Negros Oriental.
Sa ngayon karamihan naman ng mga lugar sa Pilipinas ay nasa ilalim ng Alert Level 2 classification para sa COVID-19.