-- Advertisements --

Ibinabala ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaring umabot sa “danger level” ng heat index ang mararanasan ng limang lugar sa bansa ngayong Marso 7, 2025.

Tinukoy ng PAGASA ang mga lugar ng Dagupan City sa Pangasinan; Iba, Zambales; Ambulong , Tanauan sa Batangas; San Jose, Occidental Mindoro at sa Cuyo , Palawan.

Ang heat index ay nasusukat kung ano ang mararamdaman sa katawan ng isang tao na dulot ng init ng panahon at ang temperatura ng hanging.

Maituturing na nasa ‘danger’ category ang heat index mula 42 degree Celsius hanggang 51 degree Celsius.

Makakaranas naman ng hanggang 40 degree Celsius ang bahagi ng Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City at ang Science Garden sa Quezon City naman ay makakaranas ng 39 degrees Celsius sa ara ng Biyernes.

Una ng sinabi ng PAGASA na ang matinding init ng panahon ay normal lamang na nararamdaman tuwing nagkakaroon ng paglilipat mula tag-ulan hanggang panahon ng tag-tuyot.