DAVAO CITY – Nagpalabas ngayon ng listahan ang Police Regional Office (PRO)-Davao sa mga lugar sa Davao region na kailangang i-monitor kasabay ng isasagawang eleksiyon sa buwan ng Mayo nitong taon.
Nabatid na nasa anim na mga areas sa rehiyon ang nasa gipailalom sa election watchlist of areas (EWAs) dahil sa posibilidad na magkakaroon ng kagulohan sa mismong araw ng eleksiyon.
Ayon kay PRO-Davao spokesperson Eudisan Gultiano na ang nasabing mga lugar ay kinabibilangan ng Pantukan at Monkayo sa Davao de Oro; Digos City, Matanao, Kiblawan, at Magsaysay sa Davao del Sur.
Maliban sa away ng mga politiko, ilan rin sa mga rason kung isasailalim sa EWAS ang isang lugar ito ay dahil sa mga naitalang election-related violence sa nakaraang taon at ang presensiya ng mga armadong grupo na posibleng magsagawa ng kagulohan.
Dagdag pa ng opisyal na may ilang mga lugar rin sa Davao region ang kailangan na isasailalim pa sa assessment.
Dahil dito, sinabi ng opisyal na paiigtingin pa nila ang police visibility at hihigpitan pa ang checkpoints upang matiyak ang kaligtasan sa mga botante at para maiwasan ang election violence.
Maliban sa mga lugar na isinailalim sa EWAS mahigpit na binabantay ng Commission on Elections (Comelec) ang mga lugar na nananatiling mataas ang kaso ng covid-19.