-- Advertisements --
Magiging prayoridad ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang limang milyong mga low income families para irehistro sa national ID system na magsisimula sa Oktubre 12.
Sinabi ni PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista, personal nilang tutunguhin ang mga ito sa 32 probinsiya.
Kukunin umano ng PSA ang mga detalye ng mga household head para mabigyan sila ng schedule sa personal na pagtungo sa mga registration center sa Nobyembre 25.
Magugunitang isinusulong ng PSA ang national ID para magamit ng karamihan sa government transactions.