Limang milyong tao na ang namatay sa buong mundo dahil sa COVID-19 mula nang unang lumitaw ang sakit sa China halos dalawang taon na ang nakakaraan.
Base ito sa isang tally mula sa mga opisyal na mapagkukunan na pinagsama-sama ng AFP.
Unti-unti naman na bumaba ang mortality rate simula nang ilunsad ang global vaccine rollout kung saan bilyon-bilyon na katao ang nabakunahan.
Ang bilang naman “daily deaths worldwide” ay bumaba 8,000 sa unang pagkakataon sa loob ng halos isang taon noong unang bahagi ng Oktubre.
Sinabi ni World Health Organization head Tedros Adhanom Ghebreyesus na sa loob ng 52 na bansa at teritoryo na bumubuo sa European region ng WHO, tumataas ang bilang ng mga namamatay mula sa silangang bahagi ng mundo.
Maliban sa Russia, ang Ukraine at Romania ang dalawang bansa sa Europe na nakapagtala ng pinakamataas na “daily death toll” na may average na 546 at 442 deaths kada araw.
Ang Latin America at ang Caribbean naman ang kinilala na world’s deadliest region.
Ngunit ang bilang ng mga daily deaths na kasalukuyang nasa 840, ay bumababa mula noong Mayo.