-- Advertisements --


NAGA CITY – Nagpapagaling na sa pagamutan ang limang miyembro ng pamilya sa Camarines Sur na nadamay sa pag-araro ng isang tanker sa vulcanizing shop sa bayan ng Bula.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Bula Municipal PNP spokesperson Gerald Corporal na iniimbestigahan na rin nila ang kaso habang hawak ang kustodiya ng sangkot na driver na si Cornecio Bernardino.

Batay sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver dahil umano sa bigat ng kargang langis nito.

Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Rommel Ybañez at Melody Vibares, kasama ang tatlo nilang anak na pawang mga menor de edad.