LAOAG CITY – Nalunod ang limang magkakamag-anak kung saan dalawa ang patay sa Barangay Naglicuan sa bayan ng Pasuquin dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Nakilala ang mga namatay na sina Willie Calpo, 47, residente sa Barangay Carusipan sa bayan ng Pasuquin at ang kanyang pamangkin na si Irish dela Cruz, 19, taga Barangay Taluyan, Malasiqui, Pangasinan.
Samantala, nakilala rin ang mga survivor Lorraine dela Cruz, 14; Grace dela Cruz, 18, kapatid ni Irish; parehong residente sa Barangay Malasiqui iti Pangasinan at si Amaya Bulosan, 12, taga Barangay Carusipan sa bayan ng Pasuquin.
Base sa imbestigasyon ng Philippine National Police, unang naligo sina Grace at Amaya pero dahil sa lakas ng alon ay dinala ang mga ito sa gitna, kaya nung makita ito nina Willie, Calpo at Lorraine ay agad silang sumaklolo sa mga ito.
Napag-alaman na nung makita ng mga residente ang nangyayari ay nagtulong-tulong ang mga ito para iligtas ang magkakamag-anak, subalit sina Lorraine, Grace at Amaya lamang ang nailigtas nila, habang sina Willy at Irish ay namatay.
Kwento ng isa sa mga survivor na si Grace, tatlong araw pa lamang silang nakabakasyon dito sa Ilocos Norte at uuwi na sana sila sa Pangasinan sa linggo pero hindi nila inaasahan na mangyayari ito sa kanila.