-- Advertisements --
image 27

Magkakaroon ng pagpupulong ang five-man committee na susuri sa courtesy resignations ng mga matataas na opisyal ng Philippine National Police sa susunod na linggo.

Ito ay inihayag ng isa sa miyembro ng komite na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Bukod kay Magalong, pinangalanan din ni Interior Secretary Benhur Abalos si PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., Office of the Presidential Adviser on Military Affairs’ Undersecretary Isagani Neres, at dating Defense chief Gilbert Teodoro Jr. bilang mga miyembro ng nasabing komite.

Ngunit giit ni Abalos, tumanggi munang pangalanan ang huling miyembro ng five-man committee na susurin sa mga courtesy resignation ng mga opisyal ng pambansang Pulisya.

Una na rito, susuriin din ng National Police Commission ang mga pangalan ng mga pulis na nagsumite ng pagbibitiw sa kanilang pwesto.