-- Advertisements --

Sasampahan ng kasong administratibo sa Ombudsman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang limang alkalde sa Northern Luzon na missing-in-action noong kasagsagan ng Bagyong Ompong nitong Setyembre 2018.

Ayon kay DILG Spokesperson ASec. Jonathan Malaya, batay sa naging findings at rekomendasyon ng DILG Central Office validation team, hindi raw katanggap-tanggap ang naging paliwanag ng limang alkalde.

Sinabi pa ni Malaya na ang kanilang naging aksyon ay may paglabag sa mga umiiral na batas at panuntunan.

Maliban din umano sa limang nabanggit, may anim na iba pang iisyuhan naman ng written admonition matapos ang gagawing imbestigasyon.

“Despite having knowledge of the impending typhoon and the DILG advisory, said mayors were not in their post during the typhoon. Such act on their part may be considered as dereliction of duty, negligence, or other administrative offense. We have referred their case to the Office of the Ombudsman,” pahayag ni Malaya.

Habang ang anim pang ibang alkalde ay padadalhan ng written admonition mula Interior Sec. Eduardo Año dahil sa pagsuway sa DILG advisory kung saan kinakailangan ng kanilang physical presense sa tuwing may bagyo at kalamidad.

“Secretary Ano’s directive was very clear. The physical presence of the mayor in his area of responsibility is crucial; his absence adversely affects the operation of the LGU and it is their constituents who suffer,” dagdag pa ni Malaya.

Hindi naman pinangalanan ng DILG kung sinu sino ang mga nasabing alkalde.

Ipinaubaya na rin ng DILG central office sa mga concerned DILG regional offices ang naging paliwanag ng apat pang alkalde na kailangan ng revalidation kung ang kanilang absence ay personal o official reasons.

Una nang naglabas ng Show Cause Orders ang DILG laban sa 16 mayors mula Cagayan Valley and Cordillera Administrative Region na “missing in action” ng humagupit ang Bagyong Ompong.

Sa 16 na alkalde, isa lamang ang excused dahil katanggap-tanggap ang naging paliwanag nito.