CENTRAL MINDANAO-Humantong sa madugong engkwentro ang inilunsad na law enforcement operation ng mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay PNP 12 Regional Director Bregadier General Alexander Tagum na isisilbi lang sana nila ang search warrant katuwang ang militar laban sa grupo na sangkot sa carnapping, robbery hold-up at financier ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Gokotan Pikit Cotabato.
Ngunit nanlaban umano ang mga suspek at nagkapalitan ng putok sa magkabilang panig.
Limang mga armadong kalalakihan ang nasawi at apat ang nasugatan sa mga pulis.
Kinomperma rin ni General Tagum na umaabot sa 450 na mga suspected mga nakaw na motorsiklo ang narekober mula sa alleged most wanted carnapping syndicate at BIFF Financier.
Kabilang sa mga nakuha ang sangkaterbang mga matataas na uri ng mga armas, mga pampasabog, mga bala at mga magasin.
Nasawi rin umano ang isang opisyal ng MILF nang malunod sa ilog nang magreposition sila sa operasyon ng mga pulis at sundalo.
Pinabulaanan naman ng pamilya ng mga nasawi na nakaw ang mga motorsiklo na narekober sa lugar at itoy may mga kaukulang papeles.
Galit naman ang ilang mga residente sa Brgy Gokotan dahil pati babae ay nasawi sa operasyon ng mga pulis at militar.
Sa ngayon ay nasa heightened alert ang tropa ng militar at pulisya sa Pikit Cotabato sa posibling paghihiganti ng mga kasamahan ng mga nasawi.