-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Naturn-over na sa Pavilion ng City Plaza malapit lang sa City Blood Center sa syudad ng Kidapawan ang 19 footer container vans mula sa Energy Development Corporation (EDC).

Tinanggap ni Kidapawan City Administrator Lu T. Mayormita ang naturang vans mula kay EDC Community Project Coordinator Froilan Garcia. Ayon kay Mayormita, gagamitin ang 2 sa mga containers van para sa Kidapawan City Police sakaling magkaroon ng infection sa hanay ng mga inmates habang ang 3 iba pa ay karagdagang Covid-19 Facility ng lungsod.

Masaya naman si Garcia sa patuloy na koordinasyon at kooperasyon ng EDC at City Government of Kidapawan sa kampanya kontra Covid-19 at sinabing patuloy na tutulungan ng EDC ang administrasyon ni Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista lalo na sa mga hakbang para sa kaligtasan ng mamamayan laban sa Covid-19.

Samantala, patuloy lang ang City Government ong Kidapawan sa kampanya laban sa Covid-19 sa pamamagitan ng dagdag na mga Covid-19 facility, patuloy na roll out ng bakuna para sa naka scheduled na prority list, minimum health protocols, at ang patuloy na pagsunod sa guidelines na itinatakda ng General Community Quarantine o GCQ.