DAVAO CITY – Limang mga health workers kung saan dalawa nito ang mga frontliners ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang nagpositibo dahil sacoronavirus disease (COVID-19).
Ayon pa kay SPMC chief of hospital Leopoldo Vega na ang tatlong mga non-SPMC health workers ang parehong mga doktor ng private hospital sa lungsod na nagpositibo sa COVID-19 matapos mahawaan ng isang pasyente na kanilang tinulongan para ilipat sa SPMC na isa sa mga dalawang hospital sa Mindanao na kinilala ng Department of Health-Davao para mag-asikaso ng COVID-19 patient maliban saDavao Regional Medical Center na nasa Tagum City.
Pinayuhan na rin ngayon ang mga frontline health workers na magpatupad ng extra precaution sa mga pasyente na naka-confine sa hospital at kinilala bilang persons under investigation (PUIs).
Inihayag rin ni Vega na lahat ng mga frontline health workers ang pinayuhan na magsuot ng full protective gear kung mag-aasikaso ang mga ito ng PUIs na pinaniniwalaang nagtamo ng infection.
Ang mga hindi umano susunod sa protocols maaaring maglagay sa mga health workers sa delikadong sitwasyon at infection.
Inihayag rin ni Vega na kailangan siguruhin ng mga hospital na mabigay ang suporta sa mga health workers gaya na lamang ng mga PPEs, food, at lodging.