Limang migrant ang kumpirmadong namatay, habang 40 ang napaulat na patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad matapos lumubog ang bangkang sinasakyan ng mga ito sa Crete, Greece.
Habang 39 naman ang nailigtas. Ang bangka ay lumubog mga 12 nautical miles timog-kanlurang bahagi ng Crete, malapit sa isla ng Gavdos.
Nagsagawa na ng malaking operasyon ang coast guard sa Greece gamit ang mga sasakyang pandagat at eroplano.
Ang unang katawan ay natagpuan ng umaga nitong Linggo at isang migrant naman ang dinala sa ospital sa Chania, Crete, kung saan siya ay inilipat ito sa intensive care.
Ang trahedyang ito ay bahagi ng mas malawak na pagtaas ng bilang ng mga migrants na dumarating sa Greece, kung saan 25% ang itinaas nito ngayong taon, kabilang ang 30% na pagtaas sa mga dumarating sa mga isla sa timog-silangang bahagi ng Aegean.
Kamakailan nga lang rin ay may napaulat na kaparehong insidenteng nangyari, kabilang ang isang pag-lubog ng bangka noong huling bahagi ng Nobyembre malapit sa isla ng Samos, kung saan walo ang nasawi, kabilang ang anim na menor de edad.
Ang patuloy na hamon sa mga rutang ginagamit ng mga human trafficker ay nagpapakita lamang ng panganib na kinahaharap ng maraming migrants habang sinusubukan nilang makarating sa Europa.