GENERAL SANTOS CITY -Umaabot sa P5 million ng mga iba’t-ibang mga smuggled na sigarilyo ang nakumpiska ng mga pulis sa Brgy. Old Bulatukan, Makilala, Cotabato.
Ayon sa report ng Police Regional Office 12 (PRO) nang makatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa isang forward 6-wheeler truck na puno ng smuggled goods kaagad na nagsagawa ng border checkpoint.
Base sa impormasyon na mula umano sa Davao del Sur papuntang General Santos City ang naturang forward 6-wheeler truck.
Naharangan ng mga pulis ang nasabing truck at naaresto ang mga suspek na sina Rey Arnold Etil Mariscal, Rheno Quiao Mariscal, Romulo Calibo Soria, Pablito Agravante Elorcha at Glenn Torres Judilla.
Walang mga kaukulang mga dokomento ang naturang sigarilyo.
Nakuha sa posisyon ng mga naaresto ang Colt 45 na may isang magazine at limang bala nang isagawa ang inspection sa sasakyan.
Ang mga naarestong mga suspek at mga goods ay dinala sa PRO 12 headquarters sa lungsod ng Heneral Santos.
Ayon kay B/Gen. Alexander Tagum, PRO 12 regional director na ang pagkumpiska ng naturang mga smuggled na sigarilyo ay resulta ng kanilang pursigidong kampanya para masumpo ang mga illegal activities sa kooperasyon ng publiko.