-- Advertisements --

Patay ang limang katao habang dalawa ang sugatan matapos ang naganap na pagsabog sa isang minahansa northern Spain.

Naganap ang pagsabog sa Cerredo mine sa Degaña, Asturias na may layong 450 kilometro ng north-west ng Madrid.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na ang sanhi ng nasabing pagsabog ay dahil sa problema sa makina.

Dinala naman sa pagamutan ang sugatang minero.

Patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa naiulat na mga nawawalang minero sa lugar.

Dahil sa insidente ay nagpatupad ng dalawang araw na pagluluksa si President of Asturias Adrián Barbón.