-- Advertisements --
Dinukot ng armadong kalalakihan ang limang Chinese na minero sa Democratic Republic of Congo.
Ayon kay Regional army spokesman Major Dieudonne Kasereka ng nilusob ng mga armadong suspek ang lugar ng mga grupo ng Chinese sa Mukera sa South Kivu province.
Napatay pa ng mga armadong suspek ang isang pulis sa lugar.
Malaki ang hinala ng mga otoridad na posibleng nagalit ang mga armadong suspek sa ginagawang pagmimina ng kumpanya kung saan nagtatrabaho ang mga dinukot na minerong Chinese.
Nagsasagawa ng mga otoridad ng operasyon para sa agarang pagbawi sa mga dinukot na biktima.