BUTUAN CITY – Tuluyan nang natagpuan ang tatlong mga indibidwal na na-missing matapos ito naliligo sa isang beach sa Barangay Baucawe, Lianga, Surigao Del Sur. Nakilala ang mga biktima na sina Carl Dave Hingpit, Philip Ian Hingpit, at Reggy Permito Jr. parehong taga Barangay San Vicente, Prosperidad, Agusan Del Sur.
Napag-alamang may selebrasyon noong Linggo dahilang naliligo ang taga Prosperidad, Agusan Del Sur kahit na may malalakas pang aftershocks matapos ang 7.4 magnitude na lindol.
Dahil sa naglalakihang alon, limang mga indibidwal ang nawala at pinaniniwalaang nalunod. Una nang nakita ang dalawang magkapatid na sina Ivan Mutya at Napoleon Mutya jr ngunit wala na itong buhay pa.
Ang mga rescuer galing sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO sa Prosperidad, Agusan Del Sur, nagsasagawa kahapon ng retrieval operation at bandang alas 6:35 ng umaga nang natagpuan sa mangi-gisda ang dalawang biktima habang ang isa ay dumagsa sa beach kungsaan sila naliligo.