-- Advertisements --

Arestado ang limang hinihinalang miyembro ng gun-for-hire syndicate ng PNP Anti- Kidnapping Group (PNP-AKG) at Highway Patrol Group (HPG) sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City at lalawigan ng Isabela.

Ang nasabing grupo ay responsable umano sa serye ng mga pagdukot at gun running activities sa kalakhang Maynila at sa mga probinsiya.

Isa isang nahulog sa kamay ng mga otoridad ang mga suspeks sa inilunsad na operasyon.

Ayon sa PNP, isang suspek ang sangkot sa pagdukot sa isang Chinese national sa Echague, Isabela noong nakaraang buwan ng Oktubre.

Sinalakay ng mga tauhan ng PNP-AKG ang safehouse ng sindikato at dito nahuli ang suspek na si Reymund Dequina kung saan nakuha sa kaniyang posisyon ang isang shotgun at granada.

Sumunod na naaresto ang mag-asawang Dennis Matias at Mary Anne Mallare na nakuhanan ng mga matataas na kalibre ng armas sa isang checkpoint sa Lagro, Quezon City noon namang October 29.

Arestado rin ang iba pang kasamahan ng mga suspeks na sina John Lania at Jackie Isidro.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang manhunt operation sa iba pang kasamahan ng mga suspek.

Sasampahan ng kasong illegal possession of firearms ang explosives ang mga ito.