DAVAO CITY – Aabot na sa limang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang binawian ng buhay matapos ang digmaang naganap sa pagitan ng mga kasundalohan sa Barangay Mahayahay, Lupon at Barangay San Vicente, Banaybanay sa Davao Oriental.
Nabatid na nagsimula ang engkwentro sa mismong araw na iyon ng Linggo, Setyembre 11 at 13, matapos magdeklara ng military operation ang kasundalohan laban sa rebeldeng grupo.
Naka-engkwentro ng mga rebeldeng NPA ang mga miyembro ng 701st Infantry Brigade ng 10th Infantry Division.
Samantala, kinilala ang mga napatay na rebelde na sina alyas “Buddy”, alyas “Bert”, alyas “Jumong”, alyas “Joshua”, at alyas “Mando”.
Ang mga nabanggit ay miyembro ng Weakened Guerilla Front 18.
Isang K3 Squad Automatic Weapon, dalawang R4 rifles, isang AK-47, tatlong M16 rifles, isang caliber 45 pistol, iba’t ibang bala, mga dokumento ang narekober ng mga kasundalohan at iba pang mga kagamitang pangdigma.