-- Advertisements --

Labis ang pagdadalamhati ngayon ng American comedian Nick Cannon matapos ang pagpanaw na limang buwang gulang na anak.

Sa kaniyang US tv show inanunsiyo nito ang masamang balita.

Hindi na aniya nakayanan ng anak nitong si Zen ang brain tumor nito mula noong ito ay isilang.

Kuwento nito na idinaos nito ang weekend sa California kasama ang anak na lalaki at noong Linggo ay hinawakan nito ang anak na si Zen sa huling pagkakataon hanggang tuluyan ng nalagutan ng hininga.

Noong dalawang buwan pa lamang ay inakala nila na nagkaroon lamang ito ng sinus dahil sa paglaki ng ulo hanggang sinabi ng kanilang doctor na mayroong tubig na namumuno sa ulo nito at nadiskubring isa itong tumor at kailangan ng agarang operasyon.

Pang-pitong anak ni Nick si Zen sa asawang si Alyssa Scott na isinilang noong Hunyo.