-- Advertisements --

LAOAG CITY – Matagumpay ang pinagsamang pwersa ng PNP-CIDG at PNP-Paoay matapos mahuli ang lima mula sa anim na indibidual dahil sa illegal na pagsusugal sa isang lamang sa Brgy. 9, San Pedro, Paoay.

Ito ang inihayag ni Police Major Romnick Subia, ang tagpangasiwa ng PNP-CIDG Ilocos Norte.

Ayon kay Subia, nakatanggap ng report ang kanilang opisina hinggil sa panagsusugal umano ng mga suspek sa nasabing lugar.

Aniya, sa kanilang pagresponde ay huli sa akto ang mga suspek na naglalaro ng “lucky 9”.

Sinabi nito na sinubukang tumakas ng mga suspek ngunit agad na nahuli ang mga ito maliban sa isa na agad na nakatakbo.

Nakumpiska ng mga otoridad sa lugar ang isang set ng baraha, isang kumot, lamesa, apat na na mono block chair at ₱4,775 a pisos na pusta ng mga suspek.

Sa ngayon ay nanatili sa kustodiya ng PNP-CIDG ang mga suspek habang inihahanda ang reklamong iligal na pagsusugal na haharapin ng mga ito kabilang ang isang nakatakas.