Nadagdagan na naman ang bilang ng mga nasawi dahil sa Coronavirus Disease sa bansang Iran.
Kinumpirma ngayon ng Iranian health authorities na nitong araw ng Sabado umabot na sa lima ang nasawi dahil sa deadly viurs.
Una rito, kahapon ng umaga ay dalawa rin ang pumanaw na mga pasyente.
Ang panibagong fatality ay nagmula sa 10 panibagong kumpirmadong kaso ng COVID-9 sa Iran.
Umakyat na rin sa 28 ang COVID cases sa Iran kasama na ang limang mga namatay
Ang nadagdag na mga kaso ay habang nasa gitna ang mga Iranians ng kanilang nationwide parliamentary elections.
Mapapansin na ang mga botante ay kanya-kanya ng suot ng mga face masks, habang bomoboto.
Ang ilan namang mga pharmacies ay nagkaubusan ng mga tinitindang mga masks at maging mga hand sanitizers.
Kaugnay nito, nabahala naman si WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesu sa pangyayari sa Iran kung bakit ang bilis ng mga nadagdag na namatay.