-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Panalo ang lahat ng mga boksingero ng Sanman Promotions sa isinawagang laban dito sa lungsod ng Heneral Santos.

Nagtagumpay si Marlon Tapales laban kay Eden Sonsona via second round knockout.

Habang knockout rin ang kalaban ni Dave Apolinario na si Bonjun Luperez sa round 5.

Dahil dito napanatili ni Apolinario ang malinis na record na may 14 na panalo sa ngayon at siyam na knockout.

Si Aston Palicte ay panalo rin via third round knockout laban kay Reymark Taday.

Sa round 4-na-knockout rin ni Joey Canoy si Jovab Lucas.

Wala rin pinatagal ni Michael Casama ang laban kay Vergil Deguma na hanggang sa round 2 ang bakbakan sa ibabaw ng ring.

Sa anim na laban ni Casama lahat ng mga kalaban ay kanyang pinatulog.