Nasa limang katao na ang nasawi at maraming ang nasugatan matapos na makasagupa ng mga sundalo ang mga protesters sa Sudan.
Nagsagawa kasi ang protesta ng mga mamamayan doon matapos na kunin ng militar ang kapangyarihan sa gobyerno.
Inaresto nila ang mga political leaders at idineklara ang state of emergency.
Nagbahay-bahay rin ang mga sundalo sa capital ng Khartoum para arestuhin ang mga nag-oorganisa ng mga protesta.
Nanawagan na rin ang maraming mga bansa sa pagpapakawala ng mga inarestong political leaders.
Kabilang kasi sa inaresto si Prime Minister Abdalla Hamdok at asawa nito maging ang mga miyembro ng gabinete at mga political leaders.
Mula kasi ng mapatalsik sa puwesto si Sudan President Omar al-Bashir noong 2019 ay naging hindi maganda ang pakikitungo ng mga sibilyan at military.
Nagkasundo sila ng paghahati ng kapangyarihan mula ng mawala na sa katungkulan si Bashir.