-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naaresto ang limang katao dahil sa iligal na pag-deliver ng kahoy sa Brgy 1, Cabaroan, Piddig, Ilocos Norte.

Ito ay dahil sa pagpapatrolya ng mga otoridad at ang natanggap na impormasyon sa ginawa ng limang katao.

Base sa imbestigasyon, nakasakay ang lima sa elf truck na may karga ng mga kahoy subalit dito na kumilos ang PNP at nagkaroon ng koordiansyon Sotero Agno, Forest Protection Officer ng CENRO.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.