-- Advertisements --

Patay ang limang katao dahil sa panibagong Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo.

Kabilang sa nasawi ay isang 15-anyos na dalagita.

Ayon sa UNICEF, nasa isolation unit naman sa Wangata Hospital sa Mbandaka ang apat na katao matapos na makasalamuha ng nasabing mga biktima.

Kinumpirma rin ni World Health Organization Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na mayroong anim na kaso ang naitala sa Mbandaka.

Noong 2018 ng magkumahog ang Democratic Republic of Congo kung saan mayroong 3,406 na kaso at 2,243 ang nasawi matapos dapuan ng virus.

Matapos ang 21 araw na incubation period ay wala ng kasong naitala sa nasabing bansa.