-- Advertisements --

Patay ang limang katao matapos ang ginawang airstrike ng Russia sa Kostyantynivka City sa Ukraine.

Ayon kay Vadym Filashkin ang namumuno sa Donetsk region, na naglunsad ng tatlong guided aerial bombs ang Russia.

Dagdag pa nito na nagiging madalas na ang ginagawang pag-atake ng Russia sa mga sibilyan sa lugar.

Nagdulot din ng matinding pinsala sa mga kabahayan sa nasabing lugar.

Una rito ay dalawang katao na rin ang nasawi sa drone strike ng Russia sa Kyiv Region noong nakaraang araw.