-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Panibagong limang pasyente ng coronavirus disease o COVID-19 ang nasawi sa Midsayap Cotabato.

Sa huling datus ng Department of Health (DOH-12) kinabibilangan ang mga ito ng 64 anyos, 45 anyos at 53 anyos na mga lalake at 75 anyos at 84 anyos na mga babae.

Dahil dito, umakyat pa sa 21 ang kabuoang bilang ng mga pumanaw dahil sa COVID sa bayan.

Maliban sa Midsayap, naitala din ang lima pang pasyenteng pumanaw dahil sa Covid sa North Cotabato kung saan 3 sa mga ito ay mula sa Kidapawan City at may tig-isa mula sa Carmen at Matalam.

92 new cases din ang nadagdag sa lalawigan.

Pinakamarami sa mga ito ay mula sa Kidapawan City na may 23 bagong kaso, Midsayap 18, Pigcawayan 11, Pres. Roxas 9, Mlang at Carmen na may tig-pito, Kabacan 5, Makilala at Banisilan tig-4 at Alamada, Aleosan, Antipas at Tulunan na may tig-isa.

Nakapagtala naman ang North Cotabato ng 85 new recoveries kung saan 40 ang mula sa Kidapawan City, Kabacan 16, Mlang 14, Tulunan 6, Alamada, Libungan, Pigcawayan at Makilala na may tig-dalawa at Magpet 1.

Sa kabuoan, ang probinsya ay may 3,461 total confirmed cases, 2,438 rito ang gumaling na, 178 ang mga namatay at 842 ang aktibong kaso.