Naglagay ang Philippine Coast Guad ng limang navigational buoys na may watawat ng Pilipinas sa apat na critical islands sa West Philippine Sea.
Ayon sa PCG ang ocean markers na ito ay inilagay sa Lawak island, Likas island, Parola island at Pag-asa island upang ipakita na ang mga ito ay protected zones kung saan ipinagbabawal ang pagmimina at oil exploration para sa pagpreserba ng mayamang natural na pinagkukunag yaman na pag-aari ng bansa.
Ibinahagi ni CG Adm. Artemio Abu, Philippine Coast Guard commandant, na sa kaniyang pagbisita sa Pag-asa island, kaniyang naobserbahan na may foreign vessels ng Vietnamese fishing boats, Chinese fishing vessels, at China Coast Guard vessels hindi kalayuan mula sa limang barko ng PCG na nagpapatrolya kasama ang ilang mangingisdang Pilipino na nasa bisinidad ng isla partikular sa Subi Reef.
Ipinag-utos aniya na ichallenge ang foreign vessels sublit subalit nagpakita naman umano ng respeto ang Vietnam at China para sa kanilang msiyon sa naturang sila at mapayapa ang sitwasyon sa WPS.
Ayon pa kay CG Admiral Abu, maglalagay pa ang PCG ng karagdagang navigational buoys sa iba pang parte ng exclusive economic zone ng bansa lalo na sa WPS at sa Benham Rise.
Ang limang bagong installed na 30-foot buoys ay bahagi ng 10 floating markers na binili mula sa Spain. Dumating ang mga ito sa Cebu mula sa Valencia Spain noong Mayo7.
Equipped ang navigational bouys na ito ng modern marine aids para sa navigation lanters at specialized mooring systems.
Mayroon ding monitoring system na gumagamit ng satellite technology para makapag-transmit ng data sa PCG National Headquarters sa Port Area, Manila.