-- Advertisements --
Pumili ang Commission on Elections (Comelec) ng limang malls sa National Capital Region para sa kampanyang “register anywhere”.
Inihayag ni Comelec spokesman Rex Laudiangco na nagtatag sila ng registration sites sa mga mall upang ang mga Metro Manila resident na nagnanais na bumuto sa kanilang munisipyo ay maaaring makapag-rehistro sa mga mall.
Dagdag pa niya na ang mga mga thumbprints at biometrics na kinukuha sa mga registration sites ang ipapadala sa munisipalidad o Comelec branch sa mga voter.
Iginiit pa nito na ito ay mabuti para sa mga mag-aaral at manggagawa sa Metro Manila na walang oras upang pumunta sa kanilang mga probinsya.