-- Advertisements --
Nagsipagbitiw sa nitong Martes ang limang nominee ng P3PWD partylist group.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesman Atty. John Rex Laudiangco, bandang ala-1:00 kaninang hapon nang maghain ng withdrawal documents sa law department ang grupo.
Nakasaad sa dokumento ang pagbibitiw nina Grace Yeneza, Ira Paulo Pozon, Marianne Heidi Cruz Fullon, Peter Jonas David at Lily Grace Tiangco.
Ipapalit naman sa kanila bilang nominee sina dating Comelec Comm. Rowena Guanzon, Rosalie Garcia, Cherrie Belmonte-Lim, Donnabel Tenorio at Rodolfo Villar Jr.
Nilagdaan ang liham ng kanilang secretary-general na si Tenorio.
Gayunman, sasailalim pa umano ito sa deliberasyon ng Comelec En Banc ang nais ng P3PWD partylist group.