Sumuko ang limang miyembro ng New Peoples Army (NPA) mula sa probinsiya ng Rizal, Laguna at Quezon sa mga tauhan ng Philippine Army 2nd Infantry Division.
Ayon kay 2nd Infantry Division, Acting Commander BGen. Rommel Tello, boluntaryong sumuko sa militar ang limang NPA members matapos ang isinagawang peace negotiations sa mga ito nitong nakalipas na linggo.
Kinilala ni Tello ang mga sumukong NPA members na sina: alias Gio at alias Patrick na nag-ooperate sa kabundukan ng Quezon na unang sumuko nuong March 25 sa Brgy. Salipsip, Polilio, Quezon.
Isinuko din ng dalawa ang kanilang mga armas 1 cal.45 pistol with magazine, 1 cal.38 revolver, at isang hand grenade.
Sumuko naman nuong March 26 ang isang alias JM sa Brgy J. Santiago, Sta Maria,Laguna, kaniyang isinuko din nito ang kaniyang M16 rifle.
Sumuko din sa mga operatiba ng AFP at PNP sina alias Dexter at alias Joan na mga remnants ng NPA na nag-ooperate sa boundaries ng Rizal at Laguna.
Kasama sa kanilang pagsuko ang kanilang armas, 1 M1 carbine, magazine at mga bala.
Batay sa pahayag ni alias JM, dahil sa hirap na kanilang nararanasan sa bundo kanilang napagdesisyunan na iwan ang armadong pakikibaka at makapamuhay ng normal.
Umaasa din si alias JM na susuko din sa pamahalaan ang kanilang mga kasamahan gaya ng ginawa nila.
Pinuri naman ni BGen. Tello ang naging desisyon ng mga nagbalik loob sa gobyerno na mga rebelde.
“Your wise decision to abandon armed struggle marks a new beginning for you and your loved ones. With your help, we shall build a better and safer country for our families and fellowmen while we ensure that you are secured from any terrorist’s acts of retaliation.
This milestone is proof of the CPP-NPA’s defeat as more of their combatants realize there is no future in sight being part of the terrorist groups whose goals are only to exploit, destroy families, and hamper our potential to move forward as a nation,” pahayag ni BGen. Tello.
Kasalukuyang sumasailalim sa debriefing at medical check up ang limang sumukong rebelde.
Sinabi ni Tello, isinama na rin sila sa programa ng pamahalaan kung saan makakatanggap ang mga ito ng tulong na nagkakahalaga ng Php700,000 nang sa gayon sila ay makapagsimula ng bagong buhay.