-- Advertisements --

Patay ang limang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang mga miyembro ng Philippine Army Special Forces sa Barangay Gayakay, Tagaloan II, Lanao del Sur.

Ayon kay Philippine Army spokesperson Col. Demy Zagala, nagsasagawa kahapon ng direct action operation ang mga tropa ng Special Forces Regiment (Airborne) nang makasagupa ang nasa 30 armadong miyembro ng NPA na miyembro ng North Central Mindanao Regional Committee.

Umigting ang mahigit isang oras at kalahati na sagupaan na ikinasawi umano ng limang communist terrorist group.

Nakumpiska naman ng mga sundalo ang isang M14 rifle, tatlong M16, at dalawang garand rifles.

Sinabi ni Zagala, nagpapatuloy ang hot pursuit operations ng mga sundalo laban sa mga nagsitakas na NPA members.