-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Limang mga dating myembro ng New Peoples Army (NPA) na nagbalik loob sa gobyerno ang tumanggap ng 20,000.00 pesos na tulong mula sa LGU-Magpet Cotabato

Inabot mismo nina BGen.Potenciano Camba ng 1002nd Brigade , Major Ferdinand Mopal at si Magpet Mayor Florinito Toto Gonzaga ang tulong pinansyal sa mga rebelde.

Nagpasalamat naman ang mga NPA sa tulong na kanilang natanggap.

Sinabi ni Mayor Gonzaga na bukas ang LGU-Magpet na tumulong sa mga NPA na nais magbago at sumuko sa mga otoridad.

Hinikayag naman ni BGen Camba ang mga NPA na magbalik loob na sa gobyerno at mamuhay ng mapayapa.